Salvo Of Praise
 

  Pagkagising ko sa umaga, dinig ko agad ang ingay ng kapitbahay naming nagpapatugtog ng rap music. Ewan ko kung ano ang title nun. Basta usong -uso pa nun ang rap. Sasabayan naman ng mga bata sa kalye ...ng mainluv ako sayo kala ko pag-ibig mo ay tunay...  hehe. Araw-araw ko ata "tong naririnig. Makakabisado ko nga sana eh nalaos lang.

  Tinatanong ko nga sila, "di ba kayo nagsasawa jan?"

   Sagot lang nila... "paki mo?"

  Ayus no!

 Bakit nga kaya ganun no?mas sikat pa yung "makamundong" kanta kesa sa religious songs o kahit inspiritional lang. 

  Di ko nga rin alam eh.Marami akong naiisip na theory.Tingnan niyo 'to kung tama:

1.Marami kasi ang nacocornyhan pag pinag-uusapan na ang tungkol sa Diyos. Pag nagsalita ka tungkol sa Diyos, kakantyawan ka ng mga barkada mo."Masyado ka namang mabait baka kunin ka ni Lord!"

   Meron pa nga akong napanood sa isang noon time show. Naklimutan ko na yung sinabi ng contestant basta ang sagot ng host "Bakit nagmamadali ka bang mamatay?"

2. Di ganung napapakinggan ang mga good songs like inspirational or christian songs from hillsongs or gospel songs from Bukaspalad etc. "Sa simbahan ko lang naririnig yan, nasa simbahan b tayo?"tanong sakin ng tropa ko.

3. " Mas masarap daw ang bawal"- maraming mas sumisikat na underground recordings kesa good songs." Mas masarap magmura ng P.I. lalo pag galit ka sa tropa mo o khit trip lang". sabing tambay sa'min.May kanta nga akong narinig mula umpisa hanggang dulo ang sinasabi lang "p___na__ mo"  Meron pang mga ngbabanta,sabi ng sa isang kanta nila  "ilibing ng buhay ang mga pasosyal"

   Ano naman kaya mkukuha nila dun? mauubos ba mga sosyal?

4.Sa influence ng mga tropa. kasbihan nga d ba? "birds of the same feathers are the same birds" (ganun ba yun?hehe). Basta, words to that effect. Pag tropa kayo, dapat solid! yeah! kung ano kanta mo, yun na rin sa'kin.

5. Media Hype. Ewan kung tama yung term ko. Kung ano ipalabas sa tv, ipatugtog sa radyo, mabasa sa magasin o masearch sa internet na medyo "aztig" sigurado,bukas,kabisado na ng kapatid ko.

6. Emotions.  Aaaminin ko, mahilig din ako sa rock music. Pag pinagalitan ako, 'kinig ako ng rock. Galit ako eh, Ganun din pag nag-away kami ng syota ko (sorry for the term hon!), senti naman, with matching tears on the side ng mata ko sabay upo sa isang tabi.kunyari galit-galitan.

 Sa bagay, ako din nman dati ganun.

 Di ko sila masisisi. Mas sikat tlaga ang non-religious eh kasi yun ang kinakanta ng lahat. I'm not against these musics, i am just concern bout the motives, ideas and lessons na pumapasok sa isip ng mga bata pag naririnig nila yung music na yun.

  Naisip  ko lang 'to nung magkaanak na ako. Kung ganito ang kakalakihan nilang songs, ano magiging ugali nila?

 These lyrics, absolutely, will affect the minds of an innocent. "Dahil sinasabi ng lahat, ok lang din siguro na sabihin ko" yun ang magiging mindset ng lahat ng bata.

   In the end,alam ko nasa magulang pa rin ang pagmamanage nun. But in this world na sobra ang transfer of informations, nakakatakot pa rin. dba?

 There are a lot of alternatives para kundi man maiwasan, ma-lessen ang pkikinig ng mga kantang "bad"  .

  Prayers,  yun ang number 1. sbi nga, a family that prays together...happily ever after(tama ba?).

 Lumalayo na ata ko sa topic no? nanenermon na ako eh .btw...

 Naiba yung pananaw (ang lalim!) ko sa music when i joined a charismatic community. Ang Soldiers of Christ Catholic Charismatic Community.

  Umatend ako kasi gusto ko matuto mag-gitara. Nagkataon naman, yung tatay ng barkada ko gitarista dun sa community.

     Nacocornihan  nga rin ako nun eh.Pero ala ako magawa, gusto ko talaga matuto mag-gitara eh. Mas maganda pa kako dun kasi kumpleto gamit. Meron pang distortion. Sarap sa tenga sakin nung mga time na yun. Lalo pag bumabanat ako sweet child.. tapos ang balak ko nun, pag-aaralan ko lahat ng instruments para sikat ako sa skul hehe.

    Sa tuloy-tuloy ko lang pag-attend sa community, naging familiar na ako sa mga kantang pang Diyos. Kahit nga sa bahay kinakanta ko na.

     "Ano ka ba kuya, ang corny mo nman!" utol ko.

   Nagugustuhan ko na yung mga kanta. Lagi nang nasa isip ko. Kilala ko na yung Hillsongs, Bukaspalad etc..

  Nagtataas na rin ako ng kamay pag praise and worship. Sumasayaw pa ako pag joyful kahit di ako marunong.

   Nagising na lang ako isang araw na nagtuturo na ako sa mga batang mag-gitara, mag-drums, and other instuments  at yung tinuturo ko, pang simbahan. Leader na pala ako ng instrumentalists ng youth sa community.

    Ayoko noon nito ah. Pero si Lord ang nakapag bago sa'kin, sa motives ko noon  na para sumikat ako,kasi hindi nman ako pogi, talent na lang.hehe.

    Pero  seriously, God lead me to this path.

    Ewan, lahat naman di karapat-dapat. Pero isa ako sa mga nagsusumikap para makasunod in my own small ways. Sa ganitong paraan ako mkkpagserve eh.

                            And through my journey in christian music, marami ako natutunan.  Nagkaroon ako ng discernment kung  anong music lang ang dapat kong pakinggan. And most of the songs  I listen to, kundi inspirational, christian or gospel music.

         Masarap makinig ng ganitong music. Hindi magulo, alang wrong motives.At alam kong safe sa mga anak ko.You will be refreshed. Parang lagi akong bagong gising. I found peace when i listen to worship songs like Above All, Draw Me close. i have great joy when I listen to One Way, Ikaw ang number 1,etc. When i am afraid or feeling like lost, I sing our community creed. Ang Awit ng Pastol.

  Hindi ata kumpleto araw ko pag di ako nkikininig ng mga ganitong music.

  And these music will send me closer to God. Ganun naman talaga ang alam kong mission natin sa mundo, Ang lumapit sa Kanya.

 

  

 

 

   
  



noynhitz
8/23/2008 07:38:45 pm

ok

Reply
8/9/2010 11:34:52 am

No one indebted for others,while many people don't know how to cherish others.

Reply
8/31/2010 01:01:30 pm

Your suggestions are extremely distinctive, I help you. I think you should always be described as a clever man. So i prefer to know you.

Reply
9/17/2010 06:25:45 pm

Mutual forgiveness of each vice, such are the gates of Paradise. (William Black, British poet)

Reply
9/23/2010 12:08:00 pm

It can be inferred that you lack confidence in a victory over your rivals from the fact that you're irritable against them.

Reply
10/12/2010 07:30:13 pm

Wherever Everyone has the life,But not everyone understand life, cherish life. Don't understand life people, The life to him, it is a kind of punishment. So we must love our life.

Reply
10/14/2010 12:39:58 pm

Wit without learning is like a tree without fruit. We should arm ourselves with knowledge.

Reply



Leave a Reply.